dzme1530.ph

Pagsusuot ng face masks, patuloy na iminungkahi ng DOH kahit inalis na ang state of public health emergency dahil sa COVID-19

Patuloy na iminumungkahi ng Dept. of Health o DOH ang pagsusuot ng face masks bilang proteksyon laban sa bagong subvariant ng Omicron na EG.5 kahit na inalis na ang state of public health emergency.

Noong July 27, nakapagtala ang bansa ng unang sampung kaso ng EG.5 subvariant, base sa resulta ng genome sequencing na isinagawa noong July 14 hanggang 25.

Ang EG.5 variant ay sublineage ng XBB.1.9.2 na isinama sa listahan ng “variants under monitoring” ng World Health Organization noong July 19.

Dahil dito, hinikayat din ng DOH ang publiko na magpabakuna at magpabooster upang mapalakas pa ang immunity system kontra COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author