dzme1530.ph

Pagsusulong ng mga polisiya para sa maritime industry, ipagpapatuloy sa Senado

Nangako si Sen. Grace Poe ipagpapatuloy  ang pagsusulong ng mga polisiya at programa para sa kapakanan ng mga manggagawa sa maritime industry.

Ito ay kasunod ng pagpasa ng Senado sa panukalang Magna Carta for Seafarers.

Iginiit ni Poe na sa pamamagitan ng naturang panukala ay makatitiyak ang mga Pinoy Seafarers ng mas ligtas at modernong maritime industry kung saan sila ay pinahahalagahan at napoprotektahan para magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.

Sinabi ni Poe na dapat manatiling alerto ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang matiyak na mapapakinabangan ng mga seafarers ang benepisyo sa ilalim ng panukala.

Tiwala si Poe na sa pamamagitan ng panukala ay mapapabuti ang pamumuhay ng mga Filipino seafarers at matitiyak ang kaligtasan ng mga byahero at ng kanilang mga magiging pamilya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author