Panggulo lang sa trabaho ng ehekutibo at lehislatura ang pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha).
Ito ang binigyang diin ni Sen. Imee Marcos bagamat totoo aniya na maraming dapat amiyendahan sa konstitusyon ay hindi muna dapat ito iprayoridad ng pamahalaan.
Bagkus ay mas kailangang tutukan ng ehekutibo at lehislatura ang kanilang obligasyon sa gobyerno, inflation at kakulangan sa pagkain.
Dagdag pa ng Chairperson ng Senate Committee on Electoral Reform, na dapat ding bigyan pansin ang peace and order sa bansa gaya ng nangyareng pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at Aparri Cagayan Vice Gov. Rommel Alameda.
Gayunman sinabi ni Marcos na may tamang panahon at tiyempo para baguhin ang konstitusyon.