Naging matagumpay ang pagsisimula ng pilot implementation ng revised Kindergarten to Grade 10 (K-10) Curriculum dahil handa ang mga mag-aaral, mga guro, at mga paaralan rito.
Ito ang inihayag ni DepEd Spokesperson at Usec. Michael Poa matapos i-ulat ng mga kalahok na rehiyon ang kahandaan ng kanilang mga guro, makaraang sumailalim sa Capacity building activities at Orientation session kaugnay sa bagong curriculum.
Sinabi naman ni Poa na sumasailalim sa adjustments ang mga class program design ng ilang paaralan upang tugunan ang mga pagbabago sa time allotments ng learning areas.
Nabatid na sa ilalim ng recalibrated K-10 Curriculum, umabot na lamang sa halos 4,000 ang learning competencies o 70% na mas mababa kumpara sa halos 12,000 ng lumang curriculum. —sa panulat ni Airiam Sancho