Nagpahayag ng pagkabahala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng Kuwaiti Boarder sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Dahil dito, ipapatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait.
Bagama’t sinabi na ng Kuwait na hindi tumupad ang Pilipinas sa “bilateral agreement” ng dalawang bansa, nais pa ring alamin ni Speaker Romualdez kung anong parte ng nasabing agreement ang hindi natupad kung meron man.
Dagdag pa nito, hindi lang umano ilang OFW ang apektado sa utos na ito kundi daan-daang Pilipino.
Matatandaang ipinatupad ang Deployment ban sa mga first time OFW na magtatrabaho sa Kuwait nitong Pebrero dahil sa karumaldumal na pagpatay sa OFW na si Juleebee Ranara noong Enero.