dzme1530.ph

Pagsasampa ng kontra-demanda, kabilang sa mga pinag-aaralan ni dating Sen. Leila de Lima

Pinag-aaralan ni dating Senador Leila De Lima ang pagsasampa ng kontra demanda laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong bunsod ng drug charges.

Sa press briefing, sinabi ni De Lima na bagaman wala pa silang eksaktong plano na maaari nilang ianunsyo ay hindi mawawala ang naturang opsyon sa mga pag-uusapan nila ng kanyang mga abogado.

Sa kanya namang mensahe para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng dating senador na patawarin at pagpalain ito ng Panginoon.

Batid aniya ng dating Pangulo kung ano ang mga ginawa nito sa kanya.

Si De Lima ay kilalang kritiko ni Duterte at sa kontrobersyal na War on drugs ng nakalipas na administrasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author