dzme1530.ph

Pagsasampa ng kaso laban sa 7K double registrants, inumpisahan na ng COMELEC

Sinimulan na ng COMELEC ang paghahain ng mga kaso laban sa 7,000 mula sa mahigit 400,000 indibidwal na mayroong double o multiple registrations.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na uunti-untiin ng kanilang Law Department ang pagsasampa ng mga kaso, kaya bahala na ang mga double registrant na lusutan ang kanilang asunto.

Sakali naman na mabigong makasuhan ang double registrants, inihayag ni Garcia, na ang poll body ang dapat sisihin sa problema.

Idinagdag ng poll chief na simula noong 2010 ay nakita na ng COMELEC ang milyon-milyong double registrants subalit ngayon ay maka-counter-check na nila ito sa loob lamang dalawang buwan sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author