dzme1530.ph

Pagsasama sa Freedom of Information bilang priority bill, suportado ng PCO

Suportado ng Presidential Communications Office (PCO) ang hiling ni Sen. Robin Padilla na maisama sa talaan ng priority bills ang Freedom of Information.

Kahapon ay sinimulan nang muling talakayin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Padilla ang panukala.

Sa pagdinig, binigyang-diin ni Padilla na karapatan ng publiko na mabigyan ng karampatang impormasyon dahil sila ang nagpapasweldo sa mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay Padilla, ang pagsasabatas ng FOI ay magpapatibay sa executive order sa pamamagitan ng pagpuno sa mga kakulangan, pagbibigay ng pondo at pagtukoy ng mga parusang kriminal.

Sa pagdinig, ibinahagi ni PCO Undersecretary Cherbett Karen Maralit na kasalukuyan nang pinapatupad ng ahensya ang FOI.

Gayunpaman, binabalanse nila ang request for information sa right to privacy.

Ayon naman kay Philippine Information Agency director general Jose Torres Jr., nais nilang palakasin ang proteksyon sa whistleblower; at pagpapalakas ng “culture of integrity” sa public officials. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author