dzme1530.ph

Pagsang-ayon sa mga bagong EDCA sites, istratehiya lamang ng China

Naniniwala si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na istratehiya ng China ang inilabas nitong pahayag sa pagsang-ayon ng Pilipinas na magkaroon ng apat na bagong sites para sa mga aktibidad para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa nakikita ni dela Rosa, layon ng pahayag na i-discourage o sikaping pigilin ang Pilipinas na tuparin ang pangako sa Estados Unidos.

Sa kabila nito, sinabi ng senador na hindi dapat tumigil ang gobyerno at ituloy lang ang mga bagong EDCA sites.

Samantala, sinabi rin ni dela Rosa na hindi dapat na mag alala ang Pilipinas sa live-fire drills ng China malapit sa Taiwan bilang tugon sa byahe ni Taiwanese President Tsai Ing-wen sa US.

Binigyang-diin ng mambabatas na walang mali sa ginagawa ng China sa kondisyong mananatili ang kanilang aktibidad sa loob ng kanilang teritoryo.

Maitutulad lamang aniya ito sa joint military exercises ng Pilipinas at US sa loob naman ng sarili nating teritoryo.

About The Author