dzme1530.ph

Pagsampal ng guro, walang kinalaman sa pagkamatay ng 14- anyos na estudyante sa Antipolo 

Pamamaga ng utak at pagdurugo ang dahilan ng pagkamatay ng 14-anyos na Grade 5 student na sinampal ng kanyang guro sa Antipolo City.

Sinabi ni PNP Forensic Group Director Brig. Gen. Constancio Chinayog Jr. na batay sa resulta ng Autopsy at Histopathological Exam na isinagawa kay Francis Jay Gumikib, Intracerebral Hemorrhage at Edema ang causes of death ng estudyante.

Ang ibig sabihin ng Intracerebral Hemorrhage ay pagdurugo bunsod ng pumutok na ugat habang ang Edema ay pamamaga ng utak.

Ayon naman kay Antipolo City Police officer-in-charge Lt. Col. Manongdo, batay sa interpretasyon ng Rizal Police Forensic Unit sa resulta ng autopsy, walang kinalaman ang pananampal ng guro sa pagkamatay ni Gumikib.

Naipaliwanag na rin aniya nila ang resulta ng autopsy sa pamilya ng nasawing estudyante. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author