dzme1530.ph

Pagsali ng CBCP sa NTF-ELCAC, “welcome development” para sa 2 senador

Welcome development para kina Senators Ronald Bato Dela Rosa at JV Ejercito ang pagiging miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay dela Rosa, bagama’t hindi niya alam ang background kung ang CBCP ang nagboluntaryong sumama o inalok ng gobyerno ay magandang indikasyon ito ng pagkakaisa.

Ipinaalala ni dela Rosa na ang target ng NTF-ELCAC na tuluyang wakasan ang rebelyon sa bansa ay nangangailangan ng whole of nation approach at hindi lamang ng gobyerno.

Sinabi naman ni Ejercito na magandang indikasyon ito ng pagtutulungan ng gobyerno at simbahan.

Magandang hakbangin anya ito upang malaman din ng simbahan ang tunay na mga layunin at ginagawa ng NTF-ELCAC upang wakasan ang rebelyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author