dzme1530.ph

Pagsagot sa petisyon laban sa Confidential Funds, ipinaubaya ni VP Sara sa kanyang mga abogado

Ipinaubaya ni Vice President Sara Duterte sa kanyang legal team ang pagsagot sa petisyon na inihain sa Supreme Court na humihiling na ideklarang null and void ang order at circular na sumasaklaw sa pamamahagi ng Confidential at Intelligence Funds (CIF).

Ang petisyon ay inihain ng grupo na kinabibilangan nina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, Atty. Howard Calleja, JP Calleja, at dating Senador Richard Gordon.

Inatasan din ng Korte Suprema si Duterte, ang Senado, Kamara at Commission on Audit na bigyan ang petitioners ng report ng expenses at liquidation ng 2022 confidential funds ng Office of the Vice President.

Samantala, inihayag naman ng Department of Budget and Management na sasagutin nila ang petisyon sa sandaling matanggap nila ang opisyal na kopya. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author