dzme1530.ph

Pagsagot ni Herlene Budol sa Q&A portion ng Miss Grand PH, nag-viral!

Nilaro at ginawang katatawanan ni Herlene Budol ang ginawang pagsagot sa Question & Answer portion ng Miss Grand Philippines pageant.

Ito ang inis na komento ng mga netizen matapos mag-viral ang kanyang performance sa naturang kompetisyon.

Tinanong si Herlene kung ano pa ang qualities niya para manalong Miss Grand PH bukod sa mataas na social media followings.

Sinagot niya ito ng pabiro at pinaulit-ulit pa ang tanong sa Judge.

Binaggit niya sa kanyang sagot ang salitang “Charoz”, “o English yun, ha?”, “Ang sarap mag-english” at ni hindi niya pa maalala ang adbokasiya ng Miss Grand PH.

Ibinahagi rin ni Herlene ang naging karanasan niya sa pagsali sa iba’t ibang beauty pageant sa loob at labas ng bansa maging ang nangyaring pagtutok sa kanya ng baril sa gitna ng kaguluhan sa Miss Planet International 2022 sa Uganda. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author