dzme1530.ph

Pagpasok muli ng bansa sa ICC, nasa kamay ng Malakanyang

Loading

Nasa desisyon ng Malakanyang kung nais na muling maging miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa tanong kung panahon na bang muling pumasok ang Pilipinas sa ICC.

Una rito, ilang mga kongresista ang nagpahayag na pagsuporta sa pagsaling muli ng ating bansa sa international tribunal.

Ayon kay Escudero, ang papel lang ng Mataas na Kapulungan ay magratipika ng mga international na kasunduan o tratadong pinapasok ng ating bansa.

Wala aniyang papel ang Senado sa pagsali o pagpirma sa international treaties.

Sakaling magdesisyon aniya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumaling muli sa ICC ay back to zero ang prosesong pagdadaanan nito sa Senado kung saan diringgin muna ito sa kumite at dadaan sa debate sa plenaryo.

About The Author