dzme1530.ph

Pagpasa ng panukalang mag-aamyenda sa IP Code laban sa Online piracy, isinusulong ng isang grupo

Isinusulong ng isang grupo ang pagpasa sa House Bill No. 7600, na mag-a-amyenda sa Intellectual Property Code upang mapalakas pa ang pagtugon sa nilalaman o context ng digital online platforms.

Sa isang pahayag, hinimok ni Citizen Watch Philippines co-convenor Tim Abejo si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang panukala para paigtingin pa ang ekonomiya, maiwasan ang opportunity loss, at maprotektahan ang mga Pilipino mula sa online piracy.

Iginiit ni Abejo na hindi kabilang ang Online content sa kasalukuyang depinisyon ng IP Code sa pirated goods kung kaya’t nais nilang isulong ang pagpasa sa HB no. 7600.

Nabatid na ang panukala na inaprubahan ng Kongreso noong Mayo ay mag-ootorisa sa Intellectual Property Office of the Philippine(IPOPhil) na harangin ang mga website na nag-aalok ng pirated content, na itinuturing paglabag sa IP code. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author