dzme1530.ph

Pagpapatupad ng taas-pasahe sa LRT 1, LRT 2, ipinagpaliban —DOTr

Nilinaw ng Department of Transportation na ipinagpaliban nila ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa LRT 1 at LRT 2 alinsunod sa utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni DOTr secretary Jaime Bautista na pag-aaralan muna nila ang magiging epekto nito sa mga pasahero.

Sinabi naman ng kalihim na susuriin nila kung maari ang double-decker system sa mga bus sakaling ma-isapribado ang EDSA bus carousel upang makatipid sa pasahe.

About The Author