dzme1530.ph

Pagpapatupad ng sugarcane block farms, pinag-aaralan ng SRA

Pinag-aaralan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na magpatupad ng sugarcane block farms bilang bahagi ng programa nito na mapabuti ang produksyon ng asukal.

Ayon kay SRA Acting Administrator at Chief Executive Officer Pablo Luis Azcona, ang block farms ay mga grupo ng 30 ektarya o higit pa ng tubo.

Aniya, ipinapakita sa mga paunang pagsusuri sa mga umiiral na sugar block farms na bumuti ang produksyon nito ng lima hanggang sampung tonelada bawat ektarya.

Bukod dito, sinabi rin niya na ipagpapaliban muna ang pagmilling hanggang September 1 upang bigyan ng mas mahabang panahon na mapabuti ang mga pananim na tubo.

Nabatid na kailangang makapagproduce ng Pilipinas ng 2.4 hanggang 2.5 million metric tons ng asukal para matawag na self-sufficient.

Base sa Sugar Supply and Demand Situation ng SRA noong May 14, 2023, nakapagproduce na ang bansa ng 1.9 million metric tons ng raw sugar. — sa panulat ni Airiam Sancho, DZME News

About The Author