dzme1530.ph

Pagpapatupad ng Single Ticketing System, magiging “corruption-free” —MMDA

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi magkakaroon ng “ipitan” sa pagitan ng mga traffic enforcer at ng motoristang lumabag sa batas-trapiko.

Kasunod ito ng naunang pahayag ng MMDA na magiging “corruption-free” ang pagpapatupad ng Single Ticketing System na aarangkada sa pitong lugar sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA acting chairman Atty. Romando Artes, digital na ang gagawing paniniket ng mga enforcer.

Lalagyan din ng body cameras ang mga traffic enforcer na naka-link sa Command Center na magmo-monitor sa kanilang galaw.

Sa pagbabayad naman ng multa ay nilinaw ni Artes, na bibigyan ng option ang mga motorista kung babayaran nila “on-the-spot” gamit ang load wallet o ‘di kaya’y sa pinakamalapit na Bayad Center sa kanilang lugar.

About The Author