Pinaboran ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go ang hakbang ng ilang lokal na pamahalaan na magpatupad muli ng mandatory use of face mask sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Go na noon pa man ay patuloy ang kanyang panawagan na kung hindi naman sagabal ay patuloy lamang na magsuot ng face mask dahil delikado pa rin ang lahat sa virus.
Tiwala naman ang senador na pinag-aaralang mabuti ng Department of Health ang bawat polisiyang kanilang ipinatutupad at lahat ng hakbangin ay ibinabatay sa siyensya.
Sa kabila anya ng pagtaas ng positivity rate, mahalagang hindi naman tumataas ang hospital bed utilization rate.
Muling iginiit ng senador na hindi pa dapat maging kumpiyansa ang lahat hangga’t andyan pa ang COVID-19 at ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols.
Una nang nagpatupad muli ng mandatory use of face mask ang mga lungsod ng Maynila at Baguio bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID 19. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News