dzme1530.ph

Pagpapatibay sa EU-PH FTA na mag-aalis ng mga tungkulin sa pag-iimport ng sasakyan at piyesa, suportado ng ECCP

Suportado ng European Chamber of Commerce of the Philippines ang pagpapatibay ng European Union-Philippines Free Trade Agreement na mag-aalis ng import duties para sa Automotive Vehicles at Automotive Parts mula European Union.

Base sa inilabas na Automotive Advocacy Paper ng ECCP, sinabi ng grupo na bagama’t may positive trend sa merkado, ang European automobile brands ay may posibilidad na malugi sa Pilipinas dahil sa price competitiveness bunsod ng mataas na presyo nito.

Paliwanag ng grupo, ang European Vehicle Companies sa bansa ay napapailalim sa ilang mga buwis at tungkulin, kabilang ang customs, Value-Added Tax at Excise Tax na nagpapataas sa halaga ng mga sasakyan ng halos 102% mula sa retail price.

Sa datos ng Dept. of Trade and Industry, ang Pilipinas ang may pinakamababang Free Trade Agreement (FTA) kumpara sa ibang bansa sa Asya. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author