Kinuwestyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panatilihin sa Alert level 2 ang status ng COVID-19 sa lalawigan.
Nabatid na 26 na lugar sa bansa, kabilang ang Cebu, na isinailalim sa nasabing alert level mula April 15 hanggang April 30, 2023 bilang bahagi ng COVID-19 response.
Paglilinaw ng Dept. of Health na siyang namamahala sa IATF, hindi nila ibinaba sa Alert level 1 ang nabanggit na bilang ng probinsya at lungsod, sa halip nananatili ang mga ito sa Alert level 2 status na epektibo mula pa noong June 2022.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nakabanggaan ni Garcia ang IATF kung saan noong nakaraang taon ay naglabas ang Gobernadora ng ordinansa na nagpapahintulot sa optional na pagsusuot ng facemask sa indoor at well ventilated areas kahit na hindi ito pinayagan ng Task Force.