Nagkaisa ang House Committee on Transportation na hilingin kay Pang. Bongbong Marcos, Jr. na ipagpaliban muli ang itinakdang Jan. 31, 2024 extension para sa mga hindi nakapag consolidate sa PUV Modernization Program.
Pinangunahan ni Sta Rosa City Lone Dist. Rep. Dan Fernandez ang mosyon, na kinatigan ng komite.
Paliwanag ni Fernandez marapat na ipagpaliban ang deadline upang bigyan ng pagkakataon ang Department of Transportation na solusyunan ang maraming problema sa PUVMP.
Gaya ng isyu sa pagpapanatili ng iconic look ng jeep, assessment sa halaga ng pasahe, malinaw na panuntunan sa pagpili ng modernized jeep, at isyu sa pagitan ng driver-operator o kooperatiba kung saan sila kaanib. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News