Naniniwala si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na “extreme measure” ang pagpapatalsik sa Chinese envoy mula sa Pilipinas, sa gitna ng pambu-bully ng Beijing sa West Philippine Sea.
Sinabi rin ng retiradong mahistrado na napaka-seryosong aksyon na pag-empakehin si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian at pabalikin sa kanyang bansa.
Ito, aniya, ay dahil ang naturang hakbang ay magagarantiyahan lamang kung lalala pa ang pambu-bully ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sinabi ni Carpio na karaniwan ay ini-expel muna ang lower officials bago pauwiin ang ambassador.
Ipinaliwanag ng dating retired SC Justice na maari munang i-recall ng pamahalaan ang Philippine Ambassador to China upang ipahayag ang pagtutol ng bansa sa mga pangha-harass ng China sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano