Isinusulong ni Sen. Christopher “Bong” Go ang panukala para i-modernize ang Philippine Coast Guard at palakasin ang kapabalidad nito sa pagbabantay sa maritime resources ng bansa.
Sa kanyang Senate Bill No. 2112, nais ng senador na palakasin ang kapasidad ng PCG sa pagseserbisyo at pagtupad nito sa kanilang pangunahing tungkulin at responsibilidad.
Pangunahing layunin ng panukala na i-upgrade mga vessels, aircraft, at equipment ng Coast Guard alinsunod sa international standards.
Mapapalakas din anya nito ang response time ng Coast Guard sa maritime incidents at emergencies.
Ipinaalala ni Go na ang coast guard ang nagsisilbing frontline defense laban sa mga banta ng terorismo at smuggling bukod sa tulong sa panahon ng natural disasters at emergencies.
Subalit nahaharap sila sa malaking pagsubok dahil sa kakulangan ng kagamitan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News