dzme1530.ph

Pagpapalakas ng partnership sa America sa harap ng lumalalang tensyon sa WPS, isinulong ng Pangulo

Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalakas ng pagtutulungan ng Pilipinas at America sa harap ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa Daniel Inouye Speaker Series sa Asia-Pacific Center for Security Studies sa Honolulu, Hawaii USA, inihayag ng Pangulo na kaakibat ng partnership ay dapat ding mapalakas ang Defense at Civilian Law Enforcement Capabilities ng Pilipinas.

Mangangailangan umano ito ng malaking pagpo-pondo para sa modernisasyon ng Armed Forces at Coast Guard, at pagpapaigting ng Cyber Cooperation.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos na sa magkakasunod na engagements sa American counterparts at U.S. legislators ay maia-angat pa ang partnership ng dalawang bansa.

Muli namang nanindigan si Marcos na hindi nito isusuko ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa, at katuwang ang America ay patuloy na itataguyod ang soberanya at integridad alinsunod sa international rules-based order. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author