dzme1530.ph

Pagpapalakas ng kalakalan ng kape at seaweed sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, isinulong ni Indonesian Pres. Joko Widodo

Isinulong ni Indonesian President Joko Widodo ang pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, sa kanyang tatlong araw na Official Visit sa bansa.

Inihayag ni Widodo na nagkasundo sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpatuloy ang open market access o mas maluwag na pagpapalitan ng mga produkto.

Kaugnay dito, humiling si Widodo sa Pilipinas na magtaguyod ng safeguard measures para sa coffee products ng Indonesia.

Samantala, sa pag-iinspeksyon sa planta ng W Hydrocolloids Inc. sa Cavite ay ibinida ni Widodo ang potensyal ng Indonesia sa seaweed processing, lalo’t napapaligiran ito ng malawak na coastline kagaya ng Pilipinas.

Umaasa si Widodo na mapaiigting pa nila ang produksyon ng seaweeds para sa pagpapalawak ng exports sa Pilipinas at sa iba pang bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author