Ipinagmalaki ng National Economic and Development Authority ang naitalang 5.9% na paglago ng Gross Domestic Product ng bansa para sa 3rd quarter ng taon, kumpara sa 4.3% noong 2nd quarter.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, isa sa mga naging susi dito ay ang pagpapabilis ng public spending, kung saan ang Government Final Consumption Expenditure ay tumalon sa 6.7 % noong 3rd quarter mula sa negative 0.7%.
Ang government spending ay nag-ambag ng 2.1% points o 36% sa 5.9% GDP growth.
Pinuri naman ni Balisacan ang national gov’t agencies at local gov’t units para sa pagpapatupad ng Catch-up expenditure plans na nagpabilis sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News