Isinusulong ng gobyerno ang pagpapabilis ng importasyon at pag-extend sa mababang taripa sa mga pangunahing produkto, upang patuloy na mapababa ang inflation rate sa bansa.
Nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook na pinamumunuan ng Dep’t of Finance at National Economic and Development Authority, para sa streamlining ng guidelines at proseso sa importasyon.
Kokonsultahin din ang stakeholder’s para sa posibleng pagtataas ng unilateral minimum access volume sa mga piling commodities.
Sa ngayon ay sinisikap ng pamahalaan na bumuo ng rice importation agreement sa India.
Samantala, pinag-aaralan na rin ang posibleng extension ng reduced most favored nation tariff rates.
Tinitiyak naman ang sanib-pwersang pagkilos ng Bureau of Customs, Philippine Competition Commission, at Dep’t of Justice laban sa mga mapang-abusong trade practices kaakibat ng pagsasampa ng mga kaukulang kaso. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News