dzme1530.ph

Pagpanaw ng turistang Pinoy sa Hong Kong, kinumpirma ng DFA

Loading

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpanaw ng isang Pilipino habang nagbabakasyon sa Hong Kong.

Batay sa ulat, nag-collapse ang turista habang nasa “Frozen Ever After” attraction sa Hong Kong Disneyland at idineklarang wala nang buhay sa isang ospital sa North Lantau.

Bagaman hindi nagbigay ng iba pang detalye ang DFA, iniulat ng South China Morning Post na isang 53 taong gulang na lalaki na may “pre-existing medical condition” ang nasawi matapos mawalan ng malay habang nasa isang ride.

Inihayag ng DFA na kinontak na ng Consulate General ang kaanak ng nasawi upang ipaabot ang kanilang pakikiramay.

Nangako rin ang ahensya ng tulong sa pag-proseso ng pagpapauwi sa bangkay ng namayapang Pinoy.

About The Author