dzme1530.ph

Paglipat sa ibang piitan sa umano’y drug trafficker na si Jad Dera mula sa NBI Detention Center, kinatigan ng Korte

Inaprubahan ng Regional Trial Court ang kahilingan ng Department of Justice na ilipat ng piitan ang umano’y drug trafficker na si Jose Adrian “Jad” Dera mula sa detention center ng National Bureau of Investigation.

Sa memorandum, kinatigan Muntinlupa RTC Branch 304 ang hirit ng DOJ at nag-isyu ng Commitment Order para ilipat si Dera sa Muntinlupa City Jail Male Dormitory.

Sa bagong detention facility ay inatasan na isailalim sa kanilang kustodiya ang akusado habang umuusad ang kaso nito at hangga’t walang kautusan mula sa Korte.

Hiniling ng DOJ ang paglipat kay Dera sa ibang piitan makaraang mahuli itong bumalik sa NBI Compound mula sa hapunan sa isang buffet restaurant, kasama ang anim na security personnel ng NBI noong nakaraang buwan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author