dzme1530.ph

Paglipat sa Clean Energy at Smart Cities, tinitingnan ng mga lokal na minero ng bansa

Tinitingnan ng mga lokal na minero ng nickel na lumipat tungo sa clean energy at smart cities upang palakasin ang demand nito sa mas mahabang panahon.

Sa pahayag ng Philippine Nickel Industry Association (PNIA), na pinakamalaking private sector group ng nickel sa bansa, maliban sa critical component ng electric vehicles (EV) batteries, ang raw nickel ay pinoproseso rin upang makagawa ng stainless steel na kung saan ay ginagamit sa pagpapabuti ng malalaking lungsod at ng renewable energy technology.

Sa pagtaya ni PNIA President Dante Bravo, aabot sa $300-B ang kasalukuyang halaga ng puhunan sa Global EV Industry, na inaasahang lalago pa sa $1-T dahil sa pagdoble ng benta nito sa susunod na limang taon.

Samantala, sinabi ni Bravo na ang muling pagbubukas ng pandaigdigang merkado at pagroll-out ng infrastructure investment plan ng China ang dahilan ng pagpapatuloy ng construction sector at magpapataas ng demand sa stainless steel. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author