dzme1530.ph

Paglilipat ng operasyon ng POGO sa ilang lalawigan, sinisilip na ng mga otoridad

Naniniwala ang Inter-Agency Council Against Trafficking na nagsasgawa na rin ng iligal nilang operasyon ang mga POGO companies sa labas ng Metro Manila.

Kabilang dito ang human trafficking, cybercrime, torture, at scamming.

Sinabi ni IACAT Usec. Nicholas Felix Ty sa mga senador na rasyunal lang na isiping umaalis na sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya ang mga ganitong uri ng POGO dahil masyado nang mainit sa kanila ang mga awtoridad.

Kabilang sa mga napag-alamang nililipatan na ng mga ganitong POGO hubs ang Cebu, Iloilo, Cagayan de oro, at Palawan gayundin aniya sa ilang lugar sa Region 2.

Sinabi ni Ty na nakumpirma nila ito nang may ma-rescue silang higit 30 Vietnamese at Chinese nationals sa NAIA Terminal 2 na babayahe sana mula Manila patungong Cebu.

Base sa report, ang mga dayuhan mismo ang lumapit sa airport security at nanghihingi ng tulong. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author