dzme1530.ph

Paglilinis sa mga puntod sa Manila North at South Cemeteries, pinapayagan na

Mahigit dalawang linggo bago ang Undas, nag-abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na maaari nang mag-ayos at maglinis ng mga puntod sa Manila North at South Cemeteries hanggang sa Oct. 25.

Simula naman sa Oct. 30 hanggang sa Nov. 2 ay bubuksan ang gates sa mga nabanggit na sementeryo simula ala-5 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.

Sa Manila South Cemetery ay mayroon nang mga maagang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay upang makaiwas sa bugso ng mga tao sa Undas.

Muli ring ipinaalala ang mga bawal dalhin sa loob ng mga sementeryo, gaya ng alak, baraha, armas at sound system. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author