dzme1530.ph

Paglilinis ng oil spill sa sa Pola, Oriental Mindoro, matatagalan pa, ayon sa alkalde

Matatagalan pa ang paglilinis ng oil spill sa Pola, Oriental Mindoro, ayon sa alkalde ng bayan na si Jennifer Cruz.

Ginawa ni Cruz ang pahayag makaraang sabihin ng Presidential Communications Office na nalinis na ng pamahalaan ang 84% ng coastline na apektado ng Mindoro oil spill.

Inihayag ng alkalde na marahil sa dalampasigan ay wala nang nakikita subalit pagdating sa mga baybayin ay marami pa ring mga langis.

Idinagdag ni Cruz na ayaw nilang kagatin ang statement na 84% na malinis na ang dagat, dahil baka umasa ang taumbayan at magtungo sa kanilang lugar para maligo nang hindi sila nakatitiyak kung ano ang posibleng mangyari sa kanila.

Tumutulong pa rin aniya ang Philippine Coast Guard sa clean-up, subalit umaasa sila na mapapabilis pa ang proseso.

Sa pagtaya ay aabutin pa ng hanggang anim na buwan ang paglilinis, at handa naman aniya silang maghintay, subalit kung kakayanin ito ng tatlo o apat na buwan lamang ay mas mabuti. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author