dzme1530.ph

Paglapastangan sa dasal na ‘Ama Namin’ sa performance ng isang drag queen, ikinagalit ni Sen. Ejercito

Labis na ikinagalit ni Sen. JV Ejercito ang viral video ng isang drag queen na nagpeperform sa saliw ng dasal na “Ama Namin”.

Una nang binatikos ng mga debotong Katoliko ang viral performance ng drag queen na si Pura Luka Vega na nagdamit at naka-ayos bilang isang Itim na Nazareno at sumasayaw at kumakanta ng lord’s prayer sa isang bar habang nakiki-jamming din ang mga audience nito.

Direkta itong tinawag na ‘Blasphemy’ o paglapastangan sa Diyos ni Ejercito

Iginiit ng Senador na ang ginawa ng drag queen ay malinaw na pambabastos sa pananampalataya niya at ng lahat ng mga kristiyano. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author