Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na dadami pa ang mga Polling Centers sa mga mall sa 2025 dahil maraming developer ang nagpakita ng interes na maglaan ng mas maraming pwesto para sa halalan.
Kasunod ito ng isinagawang botohan sa ilang mall sa bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahapon.
Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, may ilan nang nakipag-ugnayan sa ahensya para mag-provide o magpagamit ng mga mall.
Tanging hamon lamang aniya ang espasyo dahil full-occupied na ang mga ito, subalit positibo na mag-adjust ang mga developer para ma-accommodate ang mas maraming presinto rito.
Nabatid na nasa 6,000 botante ang naka-assign sa polling precints sa mga mall sa metro manila, cebu city, at legazpi sa idinaos na eleksyon kahapon.
—Ulat ni Ariam Sancho