Pabor ang dalawang babaeng senador sa hakbang ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magkaroon ng dedicated space para sa mga babaeng pulis bilang desk officers.
Sinabi ni Senador Grace Poe na ang aksyon na ito ay posibleng solusyon sa underreporting at under-recording ng mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Poe na dapat matiyak pa rin ng NCRPO na ang mga lalaking miyembro ng pulisya ay magiging gender-sensitive kasabay nang pagtitiyak na maibabalik ang tiwala ng taumbayan sa justice system.
Sa panig ni Senador Risa Hontiveros, sinabi nito na laging nakabubuti ang pagdaragdag ng mga babae sa kahit anong organisasyon, lalo na sa pulisya na male-dominated organization.
Tiwala si Hontiveros na ang mga babae ay maaaring mag-excel sa anumang larangan sa sandaling mabigyan ng oportunidad kaya’t inaabangan na nito ang pagkakaroon ng unang babaeng PNP chief.