dzme1530.ph

Paglalabas ng P25.16-B para sa 1-year health insurance ng 8.4-M Indigent Filipinos, aprubado na ng DBM

Ilalabas na ng Dep’t of Budget and Management ang P25.16-B para sa isang taong health insurance ng Indigent Filipinos.

Inaprubahan ni Budget sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order para sa pondong gagamitin sa one-year health insurance premiums ng aabot sa 8.4-M na kuwalipikadong Indigent Filipinos.

Ayon kay Pangandaman, mandato ng Pangulo sa gabinete na tiyaking nabibigyan ang mga Pilipino ng abot-kayang health care.

Ipinamulat din umano ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan ng gobyernong mailapit ito sa publiko lalo na sa mga higit na nangangailangan,

Ang Indigent persons ay ang tinukoy ng Dep’t of Social Welfare and Development bilang mga indibidwal na walang pinagkakakitaan o hindi sapat ang income para sa kanilang mga pamilya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author