Inaprubahan na ng Dep’t of Budget and Management ang paglalabas ng P15.1-B para sa pagtatayo ng halos 5,000 classrooms sa bansa.
Ayon kay Budget sec. Amenah Pangandaman, ang napapanahong paglalabas ng pondo ay bilang pagtugon sa joint request ng Dep’t of Public Works and Highways at Dep’t of Education, at ito ang nagpapakita na hindi nagdadalawang-isip ang administrasyon sa pag-iinvest sa edukasyon.
Iginiit pa ni Pangandaman na kailangang itayo at isaayos ang ligtas, malinis, at maaliwalas na mga silid-aralan sa harap ng tumataas na bilang ng mga nag-eenroll sa mga pampublikong paaralan.
Ang pondo ay ilalaan sa pagtatayo ng 4,912 classrooms sa 1,194 sites nationwide.
Gagamitin din ito sa pagsasaayos ng mga gusali para sa kindergarten, elementary, secondary, at technical vocational laboratories, installation o pagpapalit ng disability access facilities, at konstruksyon ng water and sanitation facilities. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News