dzme1530.ph

Paglalabas ng P1-B kompensasyon para sa mga biktima ng Marawi Siege, inaprubahan ng budget department

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1-B para sa kompensasyon ng mga biktima ng Marawi Siege sa ilalim ng fiscal year 2023 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi ng DBM na alinsunod sa SARO, 362 biktima ang makatatanggap ng monetary compensation, sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

Inatasan ang Marawi Compensation Board na tukuyin ang monetary compensation at i-award ito sa legal na may-ari, batay sa fair market value o replacement cost ng total o repair cost ng partially damaged structures ng residential, cultural, at commercial properties. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author