Iminungkahi ni Makati City Cong. Luis Campos ang paglalaan ng P1-B para sa nursing education support funds na layung tugunan ang shortage ng nurses sa bansa.
Ito ang nakapaloob sa House Resolution 1510 ni Campos, Vice Chairman ng Committee on Appropriations.
Paliwanag nito, kailangang tulungan ang karamihan sa 117 State Colleges and Universities na hindi nag-o-offer ng Bachelor degree in nursing.
Sa ngayon 44 SUCs lamang umano ang may nursing courses sa pangunguna ng UP-Manila.
Salig sa resolusyon ng kongresista, aaralin ng Committee on Education at Appropriations ang pagbuo ng bagong nursing colleges sa 73-SUCs na walang nursing degree.
Makakatulong aniya ito upang matugunan ang kakulangan ng nurses sa Pilipinas dahil karamihan sa mga nurse sa bansa ay hinihila ng magandang pasweldo sa America at Europa. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News