Ikinababahala ng Dep’t of Foreign Affairs ang masamang epekto sa Pilipinas sakaling lumala pa ang tensyon sa Taiwan.
Sa Center for Strategic and International Studies Forum sa Washington D.C. USA, inihayag ni DFA sec. Enrique Manalo na ang Taiwan ay literal na malapit lamang sa pintuan ng Pilipinas.
Dahil dito, kung mas iinit pa umano ang tensyon partikular ang military conflict ay magdadala ito ng malaking epekto sa bansa.
Bukod dito, sinabi pa ni Manalo na nasa 150,000 hanggang 200,000 na Pilipino ang kasalukuyang namamalagi at nagta-trabaho sa Taiwan.
Matatandaang ibinabala ng China na maaaring madawit ang Pilipinas sa tensyon sa Taiwan matapos nitong i-anunsyo ang pagdaragdag ng apat na lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) katuwang ang America. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News