dzme1530.ph

Paglago ng manufacturing activity sa bansa, bumagal

Bumagal ang manufacturing activity sa bansa nitong January dahil sa mababang demand.

Sa pahayag ng S&P Global, bumaba sa 50.9 ang manufacturing Purchasing Managers’ Index(PMI) noong nakaraang buwan mula sa 51.5 noong December 2023.

Kabilang sa dahilan ng pagbagal ng PMI ang bumabang demand, partikular sa abroad, at factory order sa nakalipas na limang buwan.

Sa kabila nito, sinabi ng S&P Global na ang mga manufacturer sa Pilipinas ay bumili ng maraming inputs, gaya ng mga materyales at equipment, na posibleng magpataas sa kita nito sa mga susunod na buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author