Bumagal sa 5.6% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong fourth quarter ng 2023.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority(PSA), mas mababa ito kumpara sa naitalang 6% noong third quarter nang nakaraang taon at mas mabagal sa 7.1% na naiulat noong October hanggang December 2022.
Kabilang sa nag-ambag ng Gross Domestic Product ng Pilipinas sa fourth quarter ng 2023 ang financial and insurance activities; wholesale and retail; repair of motor vehicles and motorcycles; at construction.
Samantala, pumalo sa 5.6% ang full-year 2023 GDP ng bansa, na mas mababa sa target na 6% hanggang 7% ng pamahalaan. —sa panulat ni Airiam Sancho