![]()
Pinangunahan ni Cavite Rep. at House Committee on Labor and Employement Chairman Ramon “Jolo” Revilla III, ang lagda sa isang manifesto, para hingin ang suporta at gawing prayoridad ang “Pro-Worker Legislation”.
Ang manifesto na naka-address kay House Speaker Faustino Bojie Dy III ay naglalayong tiyakin ang matibay na suporta sa National Minimum Wage o NMW Bill.
Nais ni Revilla at ilang pro-labor representatives na siguruhing sa plenary debate ay may sapat itong suporta para maipasa.
Paliwanag ng kongresista, bagaman at aprubado na sa komite ang NMW bill, mahalagang mapalakas pa ang suporta ng liderato ng Kamara upang mas maging mabilis ang pagkilos sa ngalan ng mga manggagawa.
Ang tinatayuang prinsipyo ni Revilla, ay “ang laban para sa makata-rungang sahod ay laban para sa bawat pamilyang Pilipino na uma-asa sa may dignidad at marangal na hanapbuhay.”
Hindi naman nagdalawang isip si Speaker Dy na ibigay ang suporta sa nasabing panukala.
Bukod kay Revilla, kabilang sa kongresista na pro-labor ay sina Reps. Adrian Salceda ng Albay 3rd district, at Elijah San Fernando ng KAMANG-GAGAWA Party List.
Pumirma din sa manifesto ang Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges of the Phils; Unified Filipino Service Workers; Workers and Peasant Party of the Phils; Natioanl federation of labor Unions; United Private Hospitals Union of the Phils; at iba pang workers at community-based organizations.
