Kumpiyansa si Sen. Sherwin Gatchalian na sa paglulunsad ng revised K to 10 Curriculum, maiaangat ang kakayahan o performance ng mga mag-aaral, lalo na sa foundational skills tulad ng literacy at numeracy.
Una nang lumabas sa mga pag-aaral na hindi nakatutulong sa pagkatuto ng mga estudyante ang dami ng kailangan nilang pag-aralan.
Kaya ayon sa Department of Education (DepEd), maglalaan na ngayon ng mas maraming oras sa pagtuturo ng Mathematics, Science, Pagbasa, at Values formation..
Sinabi ni Gatchalian na mahalagang hakbang ito upang matiyak ang dekalidad na edukasyon sa bawat estudyante.
Kasabay nito, pinatitiyak ni Gatchalian na may sapat na paghahanda at kasanayan ang mga guro sa pagpapatupad ng bagong curriculum sa school year 2024-2025.
Nanindigan din si Gatchalian na ipagpapatuloy ng Senado ang pagsusuri sa pagpapatupad ng K-12 Law lalo na’t nananatili ang mga hamong kailangang tugunan.
Kabilang dito ang mga problema sa pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News