Ibinida ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio sa Ginanap na National Tabaco Agricultural Summit na may layuning palakasin at labanan ang smuggling ng tabako sa bansa.
Ani Rubio” Sa unang pitong buwan lamang ng taong 2023, nakapag-sagawa na ang BOC ng 661 operasyon na nag resulta ng pagkakasamsam ng mga smuggled goods na may tinatayang halaga na P30.5-B, kasama na ang 152 kaso ng mga produktong sigarilyo at tabako na nagkakahalaga ng P1.89-B, na pinakamataas na naitala sa nakalipas na limang taon.
Buong pagmamalaki ring ibinahagi ni Rubio ang 5-point priority program ng BOC, na nakatuon sa digitalization ng mga proseso ng Customs na lampasan ang mga target koleksyon ng kita, pagpapasimple ng mga pamamaraan, pagpapadali sa ligtas na kalakalan, pagsugpo sa smuggling, at pagbibigay-priyoridad sa kapakanan ng mga empleyado ng BOC.
Kabilang ang paggamit ng BOC X-Ray Inspection Project, patuloy na pagpapahusay ng BOC Risk Management System, pag-deploy ng mga water patrol asset, at malawakang pagpapatupad ng Electronic Tracking of Containerized Cargo System ( E-TRACC). —ulat mula kay Felix Laban, DZME News