dzme1530.ph

Pagkakaiba at benepisyo ng AHA, BHA, alamin!

Ang AHA at BHA ay mga uri ng hydroxy acid na ginagamit sa mga skin product.

Ang Alpha Hydroxy Acids (AHA) ay isang water-soluble acids na gawa sa sugary fruits. Ito ay tumutulong para mag-exfoliate at magkaroon ng makinis na balat.

Ang Beta Hydroxy Acid (BHA) naman ay isang oil-soluble acids na target ang pagtanggal ng dead skin cells at excess sebum, na isang oily substance na pinoproduce ng sebaceous glands.

Kabilang sa skin care products na madalas na mayroong AHA at BHA ay ang cleanser, toner, moisturizer, scrubs, at masks.

Ang paggamit ng mga produktong may sangkap nito ay mainam para sa skin types na gaya ng oily skin, acne prone skin, at combination skin.

Makatutulong ang AHA at BHA upang mabawasan ang inflammation o pamamaga ng pimples o acne, rosacea, at iba pang skin concenrs.

Mainam din ito upang mabawasan ang appearance ng large pores at surface wrinkles, at nakapag-e-even out ng skin tone. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author