Ang dried fish ay isdang pinatuyo gamit ang sikat ng araw. Ito ay isang pamamaraan ng pagpreserba ng mga pagkain.
Alam niyo ba na ang dried fish ay mataas sa OMEGA -3 Fatty Acids at Antioxidants kaya naman ikinokonsidera itong pinaka masustansiya?
Sagana ito sa good fats, maganda sa kalusugan ng puso at nakapagpapaiwas sa chronic disorders.
Maliban dito, natuklasang panlaban ang dried fish sa depression,
Sa paliwanag taglay nito ang mga nutrisyon gaya ng OMEGA-3 Fatty Acids at Vitamin D na mainam upang makaiwas at malabanan ang iba’t-ibang mental health problems.
Kilala rin ang isda bilang Anti-depressant at nakatutulong upang maibsan ang mood swing o pabago-bagong emosyon. –sa panulat ni Airiam Sancho