Wala nang mga Pilipino sa Gaza City at Northern Gaza, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Gayunman, nasa 30 Pinoy umano na nasa ibang bahagi ng Gaza ang atubili pa na tumawid patungong Egypt, dahil ilan sa kanila ay may pamilya, anak at asawang Palestinians.
Nakikipag-ugnayan naman daw sa kanila ang Philippine Embassy sa Jordan.
Bukod sa Gaza, 17 Pinoy sa Israel ang inaasahang makauuwi sa bansa sa Miyerkules, Oct. 18 habang mayroong 20 iba na humiling na ma-repartiate.
Sa pinakahuling datos ng DFA, tatlo pang Pilipino ang nawawala sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants na Hamas, habang tatlo ang nasawi.
Inaasikaso na ng gobyerno na maiuwi ang labi ng dalawa mula sa tatlong Pinoy na nadamay sa giyera. —sa panulat ni Lea Soriano